27 anyos na buntis na nanganak sa tricycle sa Sagñay Camarines Sur, inatake ng seizure; ginang nagpositibo sa COVID-19

NAGA CITY—Ikinalungkot ng Pamahalaang Lokal ng Sagñay, Camarines Sur ang pagkasawi ni Bicol patient #8798 na isang 27 anyos na Ginang mula sa Barangay Kilomaon.

Base sa pahayag ni Mayor Jovi Fuentebella, ang pasyente ay isang buntis na nanganak sa loob ng tricycle habang papunta sana sa lying-in clinic. Nagka-eclampsia o seizure umano ang Misis na nawalan ng malay-tao na agad naman sanang naidala sa Bicol Medical Center o BMC sa Naga City kasama ang kaniyang bagong silang na sanggol, pero binawian ito ng buhay.

Lumalabas na positibo COVID-19 ang namatay na Ginang  at  sinailalim sa cremation sangayon sa protocol.

Ligtas naman ang sanggol na nasa pangangalaga na ng kaniyang pamilya subalit kinakailangan aniyang sumailalim ang mga ito sa quarantine pati ang mga close contacts ni patient #8798.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *