28 kahon na smuggle na yosi, huli sa Puerto Princesa

Kinumpiska ng awtoridad sa Oplan Sita ang mga smuggle na sigarilyo na isinakay sa isang van sa National Highway ng Brgy. Inagawan-Sub., Puerto Princesa City.

Iniulat ng Puerto Princesa City Police Office na ganap na 5:30 hapon ng Biyernes nang masita nina Pcpl Michael Ryan Gabo ang van na patungo sa lungsod.

Wala umanong naipakitang permit ang driver nito kahapon sa mga kargang 28 na kahon ng yosi kaya agad itong kinumpiska ng pulisya.

Kinilala ang mga nahuli sa operasyon na sina MOSAL USMAN HARON, 28 at ALWINA HASSAN HARON, 22 anyos, mga residente ng Purok Kayasyasan, Bgy. Rio-Tuba, Bataraza, Palawan.

Nahaharap ang mga nahuli sa paglabag sa Republic Act 10863 “An Act Modernizing the Customs and Tariff Administration”.

Leave a Reply

Your email address will not be published.