28 manok, tinangay ng apat na lalaki sa Lucban, Quezon; Tatlo arestado, isa hindi pa nahuhuli

Arestado ang tatlong lalaki habang pinaghahanap pa rin ang isa pa matapos umanong tangayin ng mga ito ang 28 manok na ross (Ross Chicken) sa isang farm sa Lucban, Quezon nitong Linggo, Marso 5.

Ang mga naaresto ay sina Romnick Lavarro, 19-anyos; Arnel De Leon, 28-anyos; at isang menor de edad habang hindi pa nadadakip ang isa pa na kinilalang si Anthony Deoneda, nasa hustong gulang.

Ayon sa report, bandang alas 9:50 ng umaga nang makatanggap ng tawag mula sa concerned citizen ang Lucban MPS hinggil umano sa naganap na nakawan sa naturang lugar.

Agad namang nagsagawa ng operasyon ang mga awtoridad kung saan sakay pa ang dalawang suspek sa motorsiklo habang sa tricycle ang dalawa pa habang nagmamaneho dala dala ang apat na sako na naglalaman ng mga manok.

Doon na nakumpiska ng mga awtoridad ang naturang mga manok na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit ₱33,000. Kasalukuyan ng nasa kustodiya ng awtoridad ang mga naarestong suspek habang inihahanda na ang kaukulang reklamo laban sa kanila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *