28 pang lugar, isinailalim narin Alert Level 3 dahil sa COVID surge

Nadagdagan pa ng 28 lugar ang mga isinailalim sa Alert Level 3 sa loob ng halos dalawang linggo, sa layuning mapigilan ang lalo pang pagkalat ng COVID-19.

Ang mga lugar ay mula sa Luzon na kinabibilangan ng Benguet; Kalinga; Abra; La Union; Ilocos Norte; Pangasinan; Nueva Viscaya; Isabela; Quirino; Nueva Ecija, Tarlac; Quezon Province; Oriental Mindoro; Camarines Sur at Albay.

Sa Visayas naman, pasok ang Bacolod City; Aklan; Capiz; Antique; Cebu City; Mandaue City at Tacloban City, habang sa Mindanao ay kinabibilangan ng Cagayan de Oro City; Davao City; Butuan City; Agusan del Sur at Cotabato City.

Ayon kay Cabinet Secretary at acting presidential spokesperson Karlo Nograles, epektibo ang naturang heightened classification mula Jan. 14 hanggang 31. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published.