28 Vehicular Accidents, naitala sa Camarines Sur ng nagdaang Semana Santa

NAGA CITY – 28 Vehicular Accidents ang naitala ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council o PDRRMC sa lalawigan ng Camarines Sur ng nagdaang Semana Santa.

Ayon sa ulat, 17 bayan sa lalawigan ang nakapagtala ng Road Accidents kung saan sa mga nangyaring aksidente, 12 ang iniwang nitong patay.

Isa sa mga abala ng nagdaang Semana Santa ay ang 1st District ng Camarines Sur  dahil sa dagsa ng mga sasakyan na pumapasok galing sa iba’t-ibang lugar.

Ang Land Transportation Office ng Pamplona na pinamamahalaan ni LTO Chief Nero Dy Claro ang naging katulong ng PNP at ng mga LGU sa pagmonitor sa mga pumapasok na bakasyunista sa lalawigan.

Sa pakikipag-usap kay LTO Chief Nero Dy Claro napag-alaman na karamihan sa mga namonitor nilang sasakyan ay mga private vehicles.

Matatandaan na ilan sa mga nasangkot sa ilang aksidente sa Camarines Sur ay galing sa labas ng lalawigan at ang nagiging dahilan ay ang Reckless Driving.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *