29 anyos na babae, panibagong nasawi dahil sa Covid-19; aktibong kaso umakyat na sa 47

Umabot na sa kabuuang 504 ang bilang ng mga nasawi dahil sa Covid-19 sa Sorsogon matapos na muling makapagtala ng panibagong kaso ng kaswalti base sa pinakahuling datos na ipinalabas ng Provincial Health Office (PHO).

Ang nasabing biktima ay ang 29 anyos na babae mula sa Barangay San Antonio (Sapa) bayan ng Pilar na nairehistro bilang ika 9,270 Covid-19 case at unang nagpositibo nitong nakatalikod na araw.

Maliban pa rito, umakyat na rin sa 47 ang aktibong kaso sa buong lalawigan matapos makapagtala ng 10 bagong kaso na mula sa mga bayan ng Gubat, CAsiguran, Castilla, Magallanes, Barcelona at lungsod ng Sorsogon.

Sa pinakabagong talaan ng opisina, nangunguna pa rin ang lungsod ng Sorsogon sa may pinakamaraming aktibong kaso na 14, sinundan ito ng Bulan na may 5 aktibong kaso, tig- apat naman ang Pilar at Prieto Diaz, tig tatalo ang mga bayan ng Casiguran, CAstiila, Gubat, Magallanes at Bulan, tig dalawang aktibong kaso naman ang Matnog at Barcelona, isa sa Sta Magdalanea habang nanatiling Covid free ang mga bayan ng Irosin, Juban at Donsol.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *