Patay ang isang lalaki matapos umano itong pagsasaksakin ng nakaalitan sa Purok Puting Buhangin, Barangay Cotta, Lucena City nitong Sabado, Marso 4.
Kinilala ang biktima na si Kenneth Mancenido, collector, at residente ng naturang lugar.
Ayon sa report, bandang alas 11:00 ng umaga habang nasa harap ng kanilang tahanan si Mancenido, dumating umano ang suspek saka kinompronta ito.
Doon na umano nag-ugat ang mainit na alitan sa pagitan ng dalawa kung saan kumuha ng kutsilyo ang suspek saka pinagsasaksak ang biktima.
Samantala, agad namang tumakas ang suspek matapos ang insidente habang ang biktima ay isinugod pa sa hospital para malapatan ng lunas ngunit idineklara rin itong dead on arrival.
Kasalukuyan ng pinaghahanap ngayon ang suspek na nahaharap sa kasong Homicide.
NAGA CITY β Aarugain ng LGU-Naga lalo na ng City Social Welfare and Development Office…
Sikop sa mga sakop sa Los Amigos Police Station ang usa ka butane vendor atol…
NAGA CITY- Itinanggi ni Naga City Mayor Son Legacion ang umanoβy pagtanggap niya ng payola…
KORONADAL CITY β TUTULONG si Senator Christopher Lawrence βBongβ Go upang mapabuti pa ang serbisyo…
CAMARINES SUR- Sinang-ayunan ng ilang guro sa Camarines Sur ang iminumungkahi ng Department of Education…
Nakatanggap ang Sorsogon Police Provl Office (SPPO) mga kagamitan na mahalaga sa misyon para sa…