Nagsagawa ng ceremonial launching ang Department of Agriculture para sa mga benipisyaryo ng Rice Farmers Financial Assistance (RCEF-RFFA 2) at Fuel Discount Program kanina sa Pampanga.
Pinangunahan ito ni DA Sec. William Dar at Vice Governor Lilia Pineda kasama ang iba pang mga opisyal ang launching.
Umabot sa dalawang libong mga magsasaka na rehistrado sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture o RSBSA ang tumanggap ng ayuda.
Samantala, inaasahan namang nasa halos 25,000 Kapampangan farmers ang makakatanggap pa ng unconditional cash assistance na nasa 5,000 hanggang June 2022.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO