2KM Color Fun Run para sa mga naapektuhan ng Oil spill sa Mindoro, idinaos sa Brookes Point

Matagumpay na idinaos kaninang umaga ang 2 Kilometer Color Fun Run sa pangunguna ng PNP Brooke’s Point na may temang “BIDA KA KUNG MAKAKATULONG KA”.

Ito ay nilahukan ng mahigit-isang daan na partisipante mula sa Philippine Coast Guard, Philippine Marines, Bureau of Fire Protection, BJMP, Barangay Officials, NGO’S at pribadong sektor at tauhan mula sa PNP Station.

Sinimulan ang pagtakbo ganap na alas-singko kanina kung saan ang starting line ay sa PNP Station patungo sa Octagon Plaza at matapos ang kanilang pagtakbo ay sumalang agad ang mga ito sa Zumba Dance.

Bawat partisipante ay naglaan ng 100 pesos para sa registration fee, dahilan para nakalikom ng P19,700 sa kabuuan.

Samantala , lubos namang nagpapasalamat ang kapulisan sa pangunguna ni Police Major Raffy Esperida sa lahat ng nakilahok, habang ang nalikom na pondo ay ibabahagi sa mga apektado ng oil spill sa Oriental Mondoro.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *