2M doses Sinovac COVID-19 vax mula China, dumating na sa PH

Dumating na sa Pilipinas ang dalawang milyong doses ng Sinovac COVID-19 vaccine, na binili mula sa China.

Kaugnay nito, personal na tinanggap ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. ang naturang shipment sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2.

Mula sa NAIA, agad dinala ang vaccine doses sa cold storage facility.

Samantala, sinabi naman ni Galvez na tatanggap ang bansa ngayong buwan ng 5.5 million Pfizer COVID-19 vaccine doses mula sa COVAX facility.

Maliban dito, inaasahan rin ang pagdating ng COVID-19 vaccines mula sa AstraZeneca.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *