Local News

2nd batch ng Moderna dumating sa Legazpi City; bakuna para sa mainland provinces ng Bicol muna para sa trial run

BICOL—Panibagong batch ng Moderna COVID-19 vaccines ang dumating sa Legazpi City airport kahapon.

Ito na ang ikalawang delivery ng Moderna brand sa Bicol matapos ang pagdating ng unang batch noong nakaraang linggo na inilaan sa mga seafarers ng Maritime Industry Authority (MARINA).

Ayon sa Deparment of Health (DOH) Bicol, 7,400 doses ng bakuna ang panibagong dumating at nakalaan ito para sa mga nasa A1, A2 at A3 priority groups.

Sa lalawigan ng Albay, tig 600 doses ang mga lungsod ng Legazpi, Tabaco at Ligao at 600 doses din sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital (BRTTH).

Sa Camarines Sur, tig- 600 doses din ang lungsod ng Naga at Iriga at ang Bicol Medical Center (BMC).

Tig-1,600 doses naman ang lalawigan ng Camarines Norte at Soraogon. Dahil trial run pa lamang ito, sa mainland Bicol muna ipapamahagi ang mga bakuna kung kaya wala pang allocation ang mga islang lalawigan ng Catanduanes at Masbate.

Paliwanag ng DOH, susubukan muna umano kung kakayanin ng sistema ang handling, distribution at administration ng bagong dating na bakuna dahil tulad ng Sputnik V ng Gamaleya ay frozen vaccime din ito.

Ang Moderna vaccine ay nangangailangan ng -15 to -25 degrees celsius na lamig ng freezer para sa tamang storage.

May ilang lalawigan umano na hindi pa handa pagdating sa storage capacity tulad ng Masbate.### || slm

BNFM Bicol

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

4 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

4 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

4 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

4 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

4 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

5 hours ago