3 Administrative Case ni Polangui Mayor Mariscotes binasura

LEGAZPI- Binasura ng Sangguniang Panlalawigan ng Albay ang 3 kasong administratibo na sinampa ng isang barangay Kagawad kontra kay Polangui Mayor Andy Mariscotes.

Bilang tumatayong quasi judicial body o siyang nagsagawa ng mga proceedings kontra sa nasabing kaso, lumabas na noong isang araw nadismissed ang kasong Grave Misconduct , Grave Abuse of Discretion, Prejudicial to the Best Interest of the Service and Violation of Republic Act no. 6713 na inihain ni Barangay Kagawad Placido Pante Jr. ng barangay Matacon, Polangui, Albay.

Wala umanong sapat na ibedensyang naisumite ang complainant bilang madiin ang alkalde.

Binasa ang nasabing desisyon noong 106th Regular Session ng Sanguniang Panlalawigan.

Samantalanag matapos maipalabas ang desisyon, sa Social Media Post naman ni Mariscotes, sinabi nito na hindi mananalo ang masama sa mabuti at napakabuti ng Diyos sa lahat.

Nagpasalamat din ito sa mga taong patuloy na nagsusuporta sa kanya sa kabila ng mga pinagdadaanan sa buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *