3-anyos na bata, nasawi sa sunog sa Infanta, Quezon

Patay ang isang tatlong taong gulang na bata sa sumiklab na sunog sa isang tahanan sa Purok Rosal, Barangay Tudturan, Infanta, Quezon nitong Martes, Marso 14.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng awtoridad, ang natupok na tahanan umano ay nahahati sa tatlong kwarto na gawa sa mga light materials at pagmamay-ari ng sugatang biktima na si Arlene Jamantoc.

Sa pahayag ng anak ng may-ari ng bahay, gabi bago naganap ang sunog, nagsindi umano ito ng kandila sa kanyang kwarto.

Nagising na lamang umano ito ng madaling araw ng Martes na nasusunog na ang kaniyang kwarto kung kaya nagmadali itong lumabas kasama ang dalawang taong gulang nitong pamangkin.

Naiwan namang natutulog ang nasawing biktima na nagresulta sa agarang pagpanaw nito.

Samantala, bandang alas 2:30 na nang maideklarang fire-out ang sunog. Kasalukuyan ng nagpapagaling si Arlene habang agad namang dinala sa purenarya ang labi ng bata matapos ang insidente

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *