3 araw na tigil pasada ng grupong PISTON kasado na ngayong araw

Nagsimula na ngayong araw ang tatlong araw na tigil pasada ng grupong PISTON bilang protesta sa PUV modernization.

Mahigit 100,000 na drivers at operators ang makikilahok sa nasabing transport strike.

Kabilang sa mga lugar na maapektuhan ng strike ay ang Monumento, Baclaran, Katipunan, Novaliches, at Commonwealth.

Ayon sa grupong PISTON walang narating ang pakikipag-usap nila sa gobyerno para i-rehabilitate ang kanilang jeepney.

Panawagan din ng grupo na huwag silang pwersahin na sumali sa isang kooperatiba at bumili ng modernization dyip.

Sinabi naman ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board na hindi nila pinipilit ang mga drivers at operators na bumili ng mga modernization jeepney.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *