3 arestado ng pulisya sa Palawan

Arestado ng pulisya ang tatlong kalalakihan na suspek sa magkakaibang paglabag sa batas sa tatlong bayan sa lalawigan ng Palawan.

Batay sa ulat ng Palawan Provincial Police, ang mga inaresto ng pulisya ay sina Salve Lopez Pentior, 36 anyos na nahuli sa illegal gambling activity o pagsusugal sa Barangay Poblacion Taytay nitong Lunes, May 23, 2022

Nakuha ng pulis kay Salve ang mga ebidensya tulad ng Point of Sale Machine (POS), bet money at mga resibo.

Inaresto din ng pulisya kahapon si Dexter James Lamayo Pumicpic Jr A.K.A James, 43 anyos sa Brgy. Alfonso XIII, Quezon, Palawan murder with the use of illegally possessed firearm na walang piyansa.

Samantala, si Alexander Barrientos Delos Santos, 42 anyos ng Barangay Culandanum, Bataraza ay inaresto din ng pulisya kahapon sa Barangay Tub-Tub, Brooke’s Point dahil sa kaso nitong Frustrated Murder.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *