3 arestado sa pagbebenta ng hindi lisensyadong baril sa Batangas City

BATANGAS CITY – Nakakulong na ngayon ang tatlong kalalakihan matapos na maaresto dahil sa pagbebenta ng baril na expired ang lisensya sa Brgy. Sta. Clara, Batangas City.

Kinilala ng Batangas City Police Station ang mga naaresto na sina Perpetuo Faytaren Jr., 29 anyos at residente ng Brgy. Kumintang Ibaba, Batangas City; Eduardo Ortega, 32 at residente ng Brgy. Calicanto, Batangas City; at Rogelio Buenafe III, 31 anyos at residente ng Brgy. Kumintang Ilaya, Batangas City.

Ayon sa imbestigasyon, kumagat ang tatlo sa ikinasang buy bust operation ng intelligence operatives kung saan akto ang mga ito na naarestong nagbebenta ng baril na walang lisensya.

Narekober mula sa mga suspek ang isang Caliber Super 38 Pistol na ibebenta sana ng mga suspek sa halagang Php 60,000.

Nakuha rin mula sa kanila ang magasin na may siyam na bala, anim na bala ng Caliber 38, Php 1,000 at 59,000 pesos na halaga ng pekeng pera

Ayon kay PSMS Teodorico Magboo, imbestigador ng naturang kaso, nakakulong na ngayon ang mga suspek sa custodial facility ng naturang himpilan.

Mahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa R.A. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *