3 arestado sa pananakit ng pulis sa Naga City

NAGA CITY- Arestado ang tatlong mga kalalakihan sa magkahiwalay na insidente ng pananakit ng pulis sa Naga City.

Nangyari ang una bandang alas- 11:50 ng gabi sa Bora Hut Restobar sa Barangay Triangulo kung saan nilapitan ni PSSg Larry Hufancia ang mga suspek na sina Jimboy Proa , 30-anyos , construction worker na residente ng San Isidro, Naga City at Richard Claudio, 35-anyos na kaparehong construction worker residente naman ng Palestina, Pili, Camarines Sur. Ang mga ito ay “unruly” na dahil sa impluwensya ng alak. Nag pakilala si Hufancia na pulis at assigned sa Station 5 pero sinuntok ang pulis sa mukha.

Sa huli hindi naman sila umobra pa sa mga otoridad at inaresto.

Bandang alas 3:30 naman ng umaga Jan 29 sa parehong barangay partikular sa El Gavinos Resto Bar ang kasama ni Hufancia  na si Pat Nelson Carag ang nasubok din ang “maximum tolerance”.

Sinita din ang nanggugulo nang si  Ricardo Veluz y Balingit, 25- anyos Security Guard  sa isang mall na residente ng Abella, Naga. Sa halip na tumigil kinuwelyuhan si Pat . Cadag kasabay ng malutong na mura,  “P******* *** m*  testingon mu ako, anu apelyedo mu”

Ang mga ito ay mahaharap sa assault upon agent of person in authority.

Mababatid na una nang naghigpit sa lugar dahil sa nagdaang mga kaguluhan.

Sinabi naman sa Brigada News FM Naga ni PSMSGT. Toby Bongon, tagapagsalita ng Naga City Police Office, dapat  matinggnan muli ang oras ng operasyon ng mga bar at ang dapat na maging patakaran sa establishments. Gayundin ang nararapat na magbabantay ng kanilang mga sariling hired security personnel.

Nasubok man ang maximum tolerance sinabi ni Bongon na napatunayan nanaman na walang magandang maidudulot ang labis na alak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *