3 bata, sugatan ng maputukan ng kwitis sa Iriga City

NAGA CITY- Sugatan ang tatlong mga bata sa San Nicolas, Iriga City matapos na pumutok ang kwitis na kanilang sinindihan.

Sa inisyal na impormasyon na nakuha ng Brigada News FM Naga mula sa tiyahin lumalabas na nakita ng mga bata ang paputok sa likod-bahay, sinindihan at pumutok.  

Ang mga magpipinsang ito ay nag eedad 6 hanggang 7-anyos.  Dinala sa ospital upang tahiin ang daliri ng dalawa habang nilinisan ang mukha at mata ng isa.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Punong Barangay Ariel Luceña, sinabi nitong hindi pa nagreport sa kanila ang magulang ng mga bata kung ano ang buong pangyayari. Hindi rin matukoy ng opisyal kung saan nanggaling ang napulot na kwitis.

Kahapon wala pang ulat ang Iriga City Police Station , gayundin ang City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRM) pati ang Bureau of Fire Protection (BFP) gayunpaman sinabi ni Luceña na paiigtingin nila ang information dissemination upang hindi na madagdagan ang firecracker related injury.

Sa record ng Department of Health Bicol (DOH)  6 ang nasugatan dahil sa paputok sa pagdiriwang ng Pasko noong 2021 hanggang sa pagsalubong ng bagong taon nitong 2022 sa lalawigan ng Camarines Sur.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *