3 bayan at 2 lungsod sa Camarines Sur, pasok sa Top 10 ng 2021 Outstanding Local Civil Registry Offices sa bansa

NAGA CITY—Dalawang lungsod at tatlong Munisipalidad sa Camarines Sur ang napabilang sa Top 10 ng 2021 Outstanding Local Civil Registry Offices sa bansa.

Una rito ang City Civil Registry Office ng Naga na nakakuha ang ikalawang pwesto o 2nd place para sa Super Extra Large Category na nakapagsumiti ng 10,000 documents o higit pa, 7th place naman ang Iriga City para sa Extra Large Category na nakapagsumiti ng 3,000 to 9,999 documents, 4th place naman ang Libmanan para sa Large Category na may 2,000 to 2,999 submitted documents, 8th place naman ang Calabanga sa Medium Category na may 1,000-1,999 submitted documents at Sagnay na nasungkit ang 10th place para sa Small Category na may 500-999 submitted documents.

Ayon kay Dolores Delos Reyes ng Naga City Civil Registrar Office, malaking karangalan para sa kanila ang mabigyan ng pagkilala sa buong bansa na may pinakatamaas na compliance pagdating sa mga isinusumiteng dokumento sa Central Office na may kaugnayan parin sa mga serbisyo ng kanilang tanggapan.

Noong 2020 tanging ang LCR ng Calabanga at Sagnay lang ang nabigyan ng award ng Philippine Statistics Authority para sa small at medium category.

Samantala, nakapang 6th place naman ang Aroroy Masbate sa Extra Large Category, 10th place ang Libon Albay sa Large Category, 6th place ang Dimasalang Masbate sa Medium Category, 8th place ang Bato Catanduanes sa Small Category habang nakatanggap naman ng Circle of Excellence Award ang Aroroy Masbate na nakapang lima sa pwesto ng 2021 Outstanding Local Civil Registry Offices sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *