3 bayan sa Albay nasa Critical Risk Classification kontra Covid-19

LEGAZPI-Itinaas na Critical Risk Classification ang tatlong bayan sa lalawigan ng Albay matapos mamataan ang patuloy na pagtaas ng kaso ng tinatamaan ng Covid-19 sa inakalipas na mga Araw.

Sa report na nakalap ng Brigada News Fm Legazpi sa Average Daily Attack Rate sa loob ng dalawang linggo, kasama rito ang bayan ng Camalig, Malilipot at bayan ng Polangui at kailangan umano isailalim sa ECQ.

Samantalang nasa high-risk classification naman ang Ligao City, bayan ng Libon, Malinao, Manito, Oas, Rapu-Rapu at bayan ng Sto Domingo at dapat rin irekomenda para sa MECQ.

Ang mga lugar sa lalawigan na di nabanggit ay nakataas na rin sa moderate risk classification.

Sa ngayon, pumalo na sa mahigit 10 libo ang aktibong kaso sa Bicol Region matapos maidagdag ang lampas 500 raan na bagong kaso ng Covid-19 kahapon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *