3 Bicolano, pasok sa top 10 sa geodetic engineering licensure exam ngayong Oktubre 2022

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Professional Regulations Commission (PRC) Bicol na mayroong tatlong Bicolano ang nakapasok sa top 10 ng nakaraang Geodetic Engineering Licensure Examination ngayong buwan ng Oktobre taon 2022.

Ayon sa tanggapan, nasa ikaapat na pwesto si Shyla Bien Arciga na nagtapos sa Bicol University at nakakuha ng 90.40%; sinundan ito ni Lorenz Gabriel Gavarra Garais na nagtapos sa Naga College Foundation na nakakuha ng 89.20%; habang nasa ikatlong pwesto rin si John Raymond Onrubia Buenconsejo na nagtapos din sa Bicol University na nakuha ang 88.40%.

Napag-alaman din na 602 sa 1,142 (52.71%) na nag-exam ang nakapasa sa nabanggit na licensure examination sa rehiyon na ginanap sa regional site center sa Brgy. Rawis, Legazpi City noong Oktubre 6-7, 2022 at lumabas ang resulta nito nito lamang Oktubre 11.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *