3 BuCor personnel, sibak matapos nagpuslit ng tabako at iligal na droga sa Bilibid

Tatlong tauhan ng ng Bureau of Corrections (BuCor) ang sinibak sa serbisyo matapos silang mahuling nagpuslit ng sigarilyo at iligal na droga sa New Bilibid Prison.

Hinatulang guilty sa grave misconduct sina Correction Officers II Marlon Esguerra at Zol Plenos, at Prison Guard I Ernesto Dionglay Jr. at iniutos ni BuCor chief Gregorio Catapang Jr. ang immediate dissmisal ng mga ito

Nahuli si Esguerra na may dalang pitongbricks tabako habang nasa kanyang duty sa maximum security compound ng NBP noong May 4, 2018.

Sinabi ng BuCor na inamin ni Esguerra ang pagkakasala dahil daw sa problema sa pananalapi.

Samantala, nahuli naman si Plenos na may dalang anim na piraso ng tabako habang papasok sa maximum security compound noong August 23, 2017.

Si Dioglay ay inaresto noong August 3, 2017 matapos siyang maaktuhang may bitbit na methamphetamine hydrochloride o shabu sa maximum security compound.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *