Hindi bababa sa tatlong Chinese survey ships ang namonitor sa eastern seaboards ng Philippine Sea.
Pinangalanan ni Maritime security expert Ray Powell ang mga namonitor na Chinese ships na “Haiyang Dizhi 12 Hao”, “Haiyang Dizhi Jiuhao”, at “Song Hang”.
Batay sa map image, ang movement ng mga survey ships ay nalocate malapit sa Philippine Rise na mayaman sa oil, gas at marine resources.
Nauna nang sinabi ni National Security Council o NSC assistant director-general Jonatahan Malaya, na may ilang reseach vessels mula sa China ang umaaligid doon.
Dahil dito, pinapalakas na ng pamahalaan ang maritime domain awareness sa bansa.