Tumanggap ng tatlong coffee table book ang Subic Bay Metropolitan Authority mula sa National Commission on Indigenous People o NCIP.
Mismong si SBMA Chairman & Administrator Atty. Wilma Eisma ang tumanggap nito na mula sa ilalim ng Epanaw Project.
Ang unang coffee table book ay tinatawag na Pagkilala na nagpapakita ng pagkakakilanlan ng bawat IP, ikalawa ay ang Paggalang na naglalaman naman ng mga festival at ritwal habang ang ikatlo ay ang Pagtaguyod na siyang nagpapakilala ng mga travel destination para sa eco-tourism.
Ang coffee table book ay ibinigay nakaraang Huwebes ni NCIP Commissioner for Rest of Luzon Rolando Rivera sa SBMA.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
Photo Courtesy: SBMA Chair & Administrator