3 contacts ng OFW na COVID-19 India variant positive, nagpositibo sa virus

Tatlo sa mga close contacts ng overseas Filipino worker na nagpositibo sa Indian COVID-19 variant ang nagpositibo sa virus, ayon sa Department of Health o DOH.

Sa isinagawang public press briefing ngayong araw, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na titingnan pa nila kung anung variant ng virus ang nakuha ng tatlong indibidwal.

Naipasa na umano nila ang mga samples ng contacts para sa gagawing genome sequencing.

Sa ngayon ay hinahanap na rin ng DOH ang dalawa pang close contacts ng mga umuwing migrant workers na mula sa United Arab Emirates na nagpositibo sa virus.

Matatandang una nang kinumpirma ng DOH na dalawang umuwing overseas Filipino workers na mula UAE at Oman ang nagpositibo sa COVID-19 Indian variant.  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *