3 detainees sa Crame, patay matapos ang bigong pagtakas

Patay ang tatlong ng mga detainees sa Philippine National Police Custodial Center sa Camp Crame, Quezon City matapos mabaril ng pulis, sa gitna ng tangka nilang pagtakas.

Pinagsasaksak pa ng mga suspek si P/Cpl. Roger Agustin na namamahagi ng pagkaing rasyon banda alas 6:30 ng umaga (Linggo) sa pagiging desperado na makatakas.

Ang mga ito ay kinilalang sina Arnel Cabintoy, Idang Susukan at Feliciano Sulayao Jr.

Ayon kay PNP chief Gen. Rodolfo Azurin, Jr. nag-warning ang police buddy ni Agustin, pero nang hindi mapigil ang tatlo, ay binaril nito ang dalawa, habang ang isa ay tumakbo sa selda ni Sen. de Lima at hinostage ang senadora.

Dagdag ni Azurin, gumamit ang mga detainees ng improvised knife sa pa-atake kay Agustin.

Sa pagresponde ng Special Action Forces sa naturang insidente, ay nakipagnegosasyon ang mga ito kay Sulayao para bitiwan si De Lima, at nang makahanap ng pagkakataon ang mga pulis ay nabaril din si Sulayao, habang hawak-hawak pa si De Lima. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *