3 drug rehab center itatayo sa Region 12

KORONADAL CITY- TATLONG drug rehabilitation center ang itatayo ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA Region 12 sa iba’t ibang lugar sa Soccsksargen.

Ayon kay PDEA 12 Information Officer Katryn Gaye Abad na isa ang bayan ng Polomolok sa tatlong mga lugar sa Region 12 na pagtatayuan ng drug rehab center ng PDEA at Dangerous Drugs Board (DDB) na pinondohan ng P 5 million bawat isa.

Inihayag ni Abad na hindi katulad ng Balay Silangan sa bayan ng Tupi na nakasentro lamang sa reformatory program para sa mga Persons Deprived with Liberty (PDL), ang drug rehab ang tututok sa mga drug users na kailangang isailalim sa rehabilitation.

Ito ay kaparehas aniya sa unang binuksang Drug Abuse Treatment and Rehabilitation Center sa Barangay Kawas, Alabel, Saranggani province na pinagdadalhan ng mga drug offenders at drug dependents. 

Maliban sa Polomolok, may itatayo ding drug rehab center sa Kabacan,North Cotabato, at Isulan, Sultan Kudarat.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *