3 estudyante dinukot ng mga bandido sa Nigeria

Tatlong estudyante ang dinukot habang marami ang sugatan sa pagsalakay ng mga armadong lalaki sa Catholic seminary sa Kaduna Nigeria.

Ayon sa report, ito ang pinakahuling karahasan na target ng mga armado ang eskuwelahan para sa kanilang killings at kidnapping for ransom sa kabila ng operasyon ng mga otoridad laban sa mga ito.

Kinumpirma ng mga otoridad na sinalakay ng armadong suspect na sakay ng motorsiklo ang Saint Albert Seminary sa bayan ng Kagoma kung saan agad na namaril ang mga ito, dumukot ng 3 estudyante saka tumakas.

Mabilis namang dinala sa ospital ang mga sugatan habang iniimbestigahan ng mga otoridad ang pangyayari.

Kaugnay nito ay umabot na sa 1,500 na mga estudyante ang dinukot mula sa mga eskuwelahan at unibersidad simula noong Disyembre ng nakaraang taon hanggang sa kasalakuyan.

Nag-deploy na rin ng libu-libong tropa ang mga otoridad kung saan nakapag-set up na din ng mga karagdagang seguridad pero nakakagawa pa rin ng kanilang operasyon ang mga salarin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *