3 guro at Physician, kabilang sa mga nagpositibo sa COVID-19 sa bayan ng Daet

DAET, CAMARINES NORTE- Kabilang ang 3 guro, at physician sa mga nagpositibo sa COVID-19 sa bayan ng Daet na naiulat ng DOH Bicol nitong April 29, 2021.

Sa ipinalabas na opisyal na pahayag ng LGU Daet, ang dalawang public school teacher ay binigyan ng local code na Bicol #7769 isang 43 anyos na babae at Bicol #7788 ang mga guro ay kapwa mula sa Brgy Lag-On at kapwa close contact ni Bicol #7350, Walang nararamdamang sintomas  ang mga pasyente at wala rin daw travel history

Si Bicol #7769 ay nakaadmit sa Isolation Facility extension simula noong April 23, 2021 habang si Bicol # 7788 ay nakaadmit sa Daet Doctors Hospital simula pa noong April 26, 2021

Habang ang private teacher ay nakahome isolation na may local code na Bicol #7771, 24 anyos na lalake mula sa Brgy. Gahonon at close contact ni Bicol #7355

Kabilang rin sa iba pang nagpositibo ay ang isang government Intern na si Bicol# 7770, 23 anyos na lalake mula sa Brgy Gahonon at close contact rin ni Bicol #7355, asymptomatic at kasalukuyang nasa Barangay Isolation Facility

Samantala, ang nagpositibong physician ay may local code na Bicol #7772, 62 anyos na babae mula sa Brgy. Lag-On, close contact ito ni Bicol #7345 na kasalukuyan ngayong nakaadmit sa CNPH

Ang iba pa ay kinabibilangan ng mga pasyenteng may local code na Bicol #7773, isang 59 anyos na babae at Bicol #7774, isang 26 anyos na babae

Ang dalawang pasyente ay kapwa mula sa Brgy Mancruz at close contact ni bicol #7394 na kasalukuyan ngayong nakaadmit sa Daet Doctors Hospital

Kahapon ay muling nadagdagan ng 5 panibagong kaso ang bayan ng daet dahilan upang umakyat na sa 44 ang naitalang kumpirmadong kaso ngayon lamang buwan ng Abril, ang naturan din bayan ang nanngunguna sa may pinakaraming naitatalang kaso ng COVID-19 sa Camarines Norte

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *