CAMARINES SUR- Naaresto ng pulisya ang mga kalalakihang inirereklamo ng panggagasaha sa Pili, Camarines Sur.
Ito ang kinumpirma sa Brigada News FM Naga ni COP PLTCOL Joffrey TodeΓ±o. Aniya sa kasagsagan ng ulan, mula sa isang bayan sa Camarines Sur pumunta sa himpilan ng pulisya ang menor de edad na biktima kasama ang ina, ang kaniyang kasintahan na nakilala umano online ang may gawa ng panghahalay, kasama rin sa pinaaresto ang dalawa pa.
Kaagad na umaksyon ang PNP at matapos ang dalawang oras naaresto ang tatlo. Isinalaysay na ng biktima sa mga otoridad ang buong pangyayari, bagay na hindi na maaaring isapubliko. Dumaan na rin sa medical test ang bata at positibong biktima ito ng panghahalay ayon pa sa Hepe.
Sa balitang ito, hindi maaring banggitin ang mga impormasyong magdadala sa pagkakakilanlan ng biktima, bilang pagsunod na rin sa mga patakaran ng pag-uulat ng Rape Cases at patakaran ng PNP. Gayunpaman sinabi ng Hepe nakasuhan na ang tatlo at may crime solution.
Hiling naman nito ang kooperasyon ng publiko para sa crime prevention, mag-ingat aniya sa mga nakikilala online, mga nakakasama sa mga okasyon at mga inuman.