3 indibidwal na may mga   kasong child abuse, arestado

Arestado ang tatlong indibidwal na may mga kinakaharap na kasong pang-aabuso sa mga menor-de-edad sa magkakahiwalay na lugar sa Sorsogon.

Unang hinainan ng kanyang arrest warrant sa Bgry Villareal, Gubat si Erwin Encinares Falcotelo, 24-anyos, empleyado sa isang lending company at naninirahan sa nasabing barangay.

Ang warrant of arrest ay ibinaba ng Family Court 5th Judicial Region Br 4, Ligao City. Piyansang nagkakahalaga ng P80K ang itinakda ng korte para sa temporaryong kalayaan ng akusado.

Sa bayan ng Pilar ay arestado si Joey Bayna Perete, 29-anyos, binata, waiter at residente ng Brgy Del Rosario ng nasabing bayan. Piyansang nagkakahalaga ng P200K ang ibinaba ng RTC Br51 para sa kasong kinasasangkutan nito sa isang menor-de-edad.

Arestado rin sa Brgy Sulucan, Sorsogon City ang isang tricycle driver dahil sa pang-aabuso sa isang menor-de-edad ng dalawang beses.

Kinilala itong si Nicasio Palacio Dio alias Nick, 52-anyos at naninirahan sa Brgy Gogon sa bayan ng Casiguran.

Ang warrant of arrest ay ibinaba ng Family Court, 5th Judicial Region Br12, Sorsogon City na may itinakdang piyansa na P180K bawat kaso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *