Kinumpirma ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Bicol na tatlong mga kabahayan sa lalawigan ng Masbate ang totally damaged at mahigit 70 naman ang partially damaged matapos yanigin ng 6.0 na lindol snoong nakaraang linggo.
Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Cladio Villareal, Social Worker Officer IV ng nasabing tanggapan, sinabi nitong umabot sa 81 angtotally and partially damaged na kabahayan sa lalawigan.
Dahil dito, agad na binigyan ng ahensya ng family food packs (FFPs) ang mga nasiraan para sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.
Nakapagpamahagi na rin sila ng FFPs sa Batuan, Palanas, Dimasalang, at San Fernando ng kaparehong lalawigan.
Dagdag pa nito, mayroon pang paparating na FFPs mula sa Legazpi City upang mabigyan din ang mga barangay o pamilyang naapektuhan ng lindol.
Sinabi ng opisyal, kung mayroon mang pamilya na hindi pa nabibigyan ng FFPs sa kanilang lugar o barangay ay makipag-ugnayan lamang sa LGU.