3 katao, nahulihan ng higit sa P200,000 na halaga ng umano’y shabu

KORONADAL CITY – ISANG Anti-Illegal Drug Operation ang isinagawa ng PDEA 12 South Cotabato Provincial Office katuwang ang mga kapulisan pasado alas 4:00 ng hapon kahapon sa may checkpoint ng 2nd Maneuver Platoon ng South Cotabato Provincial Mobile Force Company, Purok 1, Barangay San Vicente, Banga, South Cotabato.

Sa nasabing operasyon, nahuli ng mga otoridad ang tatlong mga drug suspects na sina James Anthony Bergado Bacongga, 24 anyos, binata, isang mekaniko, residente ng Barangay Salakit, Kiamba, Sarangani Province; Renz Ynion Magpayo, 26 anyos, binata, isang estudyante, residente ng Maria Rosa Village, Poblacion, Polomolok, South Cotabato at Aira Anog Palomo, 23 anyos, dalaga, estudyante, residente naman ng Barangay Cannery Site, Polomolok.

Narekober umano sa pag-iingat ng mga suspek ang isang unit ng Toyota Wigo, kasama na ang 14 na pakete ng hinihinalang shabu na umabot sa 30 gramo at may halaga na 204,000.00 pesos.
Sa ngayon ang tatlong mga suspek ay nananatili sa pag-iingat ng PDEA Region 12 at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *