3 Korean nationals, arestado dahil sa illegal recruitment

Hinainan ng kani-kanilang warrant of arrest ang tatlong Korean national na may kinakaharap na kasong illegal recruitment sa bayan ng Mobo, Masbate.

Inaresto ng mga tauhan ng Mobo Police, katuwang ang PIU ng Masbate, RIU5, Masbate 1st PMFC at ng Bureau of Immegration, Port Operation Division ang tatlong Koreano na kinilalang sina Jung Hyo Jin, 40-anyos, may asawa; Song Jung Park, 36-anyos, may asawa at Kim Young Soo, 42-anyos, binata lahat negosyante at naninirahan sa Brgy Poblacion ng nasabing bayan.

Ang pag-aresto ay sa pamamagitan ng bisa ng warrant of arrest na ibinaba ng RTC Br 44, Masbate City na may itinakdang piyansa na P40K bawat isa.

Pansamantalang nasa kustudiya ng Mobo Police ang mga akusado para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *