LEGAZPI CITY- Nakitaan ng pagtaas sa inflation rate ang tatlong mga lalawigan sa Bicol Region sa buwan ng Agosto ngayong taon ayon sa Philippine Statistics of Authority (PSA) Bicol.
Ayon kay PSA Bicol Statistical Specialist Coney Frances Baleda, ito ay kinabibilangan ng Albay, Camarines Norte at Catanduanes.
Sa tala ng tanggapan, naitala sa Albay ang 5.6% inflation mula sa 5.5% noong Hulyo; sa Camarines Norte naman ay 6.8% mula sa 5.7%, habang ang Catanduanes naman ay 4.7% mula sa 3.4%.
Dahilan umano sa pagtaas ng inflation ay ang food, non-alcoholic beverages, transport, at restaurant and accomodations services.
Ayon pa kay Baleda, kung may pagtaas sa inflation, mayroon ding pagbaba ng mga bilihin sa merkado-publiko sa ilang mga lalawigan sa rehiyon.