3 mangingisda mula sa Camarines Sur huli dahil sa illegal fishing activity sa Mercedes, Camarines Norte

CAMARINES NORTE – Nahuli sa akto ng mga miyembro ng Bantay-dagat Task Force ang 3 kataong sakay ng isang bangkang ilegal na nangingisda sa bahagi ng Tacubtacuban hills sakop ng Brgy. Colasi Mercedes, Camarines Norte.

Ang mga nahuli ay pawang mga residente ng Sabang, Calabanga Camarines Sur na naaktuhan umanong nagsasagawa ng trawl fishing.

Ayon sa Municipal Information Office nakumpiska sa mga nahuling mangingisda na hindi pinangalanan ang 2 pirasong wooden board, 1 set ng trawl net at lubid.

Ang mga na nabanggit na fishing paraphernalia ay nakalagak  sa impounding area ng munisipyo para sa kaukulang disposisyon.

Dati na umanong nahuli noon lang nakalipas na buwan ang mga ito sa parehong paglabag pero dahil  sa pakiusap na hindi na uulitin pinagmulta na lang ang mga ito alinsunod sa isinasaad ng municipal ordinance 159-2006.

Muli namang nagpaalala ang LGU sa lahat ng mga mangingisda na iwasan ang trawl fishing sa loob ng Municipal Water.

Matatandaan na noon lang nakaraang linggo ay lima katao ang hinuli rin ng Bantay dagat dahil sa kaparehong paglabag.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *