3 mangingisda, naiulat na nawawala sa bayan ng Aborlan

Kinumpirma ng Coastguard District Palawan ang ulat ng pagkawala ng tatlong mangingisda mula sa bayan ng Aborlan, Palawan ngayong umaga.

Ang mga naiulat na nawawala ay sina Reynaldo lacaza Sr., Reynaldo Lacaza Jr. at si Rey Criz Lacaza mula sa Sitio Isla Sumbrero Barangay Poblacion, Aborlan.

Lulan ang mga ito ng motorbanca na may pangalang “Jhunrey”.

Matapos maiulat ang insidente ay agad na nagsagawa ng Search and Rescue Operation ang mga tauhan ng Coastguard kasama ang Bantay Palawan.

Samantala, bago maiulat ang pagkawala ng tatlo ay walang nakataas na gale warning sa bahagi ng karagatan kung saan nagmula ang mga ito, ayon pa sa CoastGuard District Palawan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *