3 mga empleyado ng LGU Naga na nakasama sa Cessna Plane operations bibigyan din ng pagkilala ng Sanguniang Panlungsod

NAGA CITY- Bibigyan din ng pagkilala at pasasalamat ng Sanguniang Panlungsod ang tatlong empleyado ng Naga City na nakasama sa Cessna Plane Operations sa Albay , bukod pa ito sa unang iginawad sa kanila ng LGU Camalig.

Sa regular session ng Sanguniang Panlungsod kahapon Marso 7, 2023 napagkasunduan ng mga konsehal ang pagpapasalamat at pagkilala kina Central Communication Center Head Renee Abiada, personahe ng SP na si Xeres Gagero at parte din ng  Naga City Rescue na si Jeffrey Sinfuego.

Ayon kay Coun. Lito Del Rosario buwis buhay ang ginawa ng tatlong mountaineers at kanilang mga kasamahan. Kasama sila sa mga umakyat upang matagpuan ang bumagsak na eroplano ay mga sakay nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *