3 missing sa pagbagsak ng cargo plane sa Indonesia

Patuloy na pinaghahanap ng mga rescuers ang tatlong individual na sinasabing nawawala matapos bumagsak ang sinasakyang cargo plane sa Indonesia.

Hinala ng Papua region police na nagkaproblema ang Rimbun air flight dahil sa sama ng panahon.

Napag-alamang ilang minuto bago lumapag sa Intan Jaya airport ang eroplano ay nawalan ng contact sa air control.

Na-recover naman ng mga otoridad ang debris ng twin otter 300 aircraft habang hindi pa malinaw kung ano nasaan ang mga sakay nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *