Local News

3 nakuhaan ng granada, IED sa checkpoint sa Banga, SoCot

KORONADAL CITY — ARESTADO ang tatlo katao sa checkpoint sa Crossing Lambukay, Barangay Lamba, Banga, South Cotabato matapos nakuhaan ang mga ito ng isang improvised explosive device o IED at granada.

Kinilala ang mga nahuling na sina Ronald Olin Bansil, 27-anyos, single, laborer; Merlyn Bansil Guisan, 42, laborer at Andy Gelodin Meno, 30-anyos, laborer at pawang mga residente ng Sitio Lambukay, Barangay Lamba ang nasabing bayan.

Ayon sa mga otoridad, nakatanggap sila ng report ukol sa tatlo katao na papunta sa nasabing lugar at may dalang eksplosibo dahilang kung bakit nagsagawa ang mga ito ng checkpoint operation.

Nakuha sa mga ito ang isang MK2 fragmentation grenade at isang IED anti-personnel improvised hand grenade.

Sa ngayon, nasa kostudiya ng Banga PNP ang tatlo at nahaharap sa kaukulang kaso.

BNFM Koronadal

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

16 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

16 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

16 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

16 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

16 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

16 hours ago