3 pabahay, ipinasakamay ng IPPO

Tatlong pamilya ang muling nabigyan ng libreng pabahay ng Isabela Police Provincial Office sa ilalim ng Barangayanihan ng Police Regional Office No. 2 mula sa mga bayan ng Reina Mercedes, Naguilian at Benito Soliven, Isabela.

Isinagawa kahapon, August 4, 2021 ang ceremonial turn-over at blessings sa mga pabahay na pinangunahan ni PRO2 RD PBGen. Steve Ludan.

Ipinagkaloob ng kapulisan ang one-bedroom house sa pamilya ni Rogelio Resureccion ng Brgy. Andabuen, Benito Soliven; two (2)- bedroom house kay Villamor Villanueva ng Brgy. Mansibang, Naguilian at one-bedroom house kay Robilyn Espinosa ng Brgy Nappacu Grande, Reina Mercedes, Isabela.

Maliban dito ay nakatanggap ang bawat isa sa mga benepisaryo ng grocery items, bigas at dry goods.

Ayon sa kapulisan naisakatapuran ito dahil sa aktibong suporta ng iba’t-ibang stakeholders partikular ng National Coalition of Advocacy Support Group and Force Multipliers na layuning matulungan ang mga mahihirap na Isabelinos.

Ito ay sa paraan nang pagpapatayo ng maayos na bahay sa pamamagitan ng barangaynihan.

Samantala, nagpasalamat naman si RD Ludan kasabay ng pagpuri sa IPPO dahil sa tagumpay ng kanilang mga proyekto at binigyang diin din ang kahalagahan ng Bayanihan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.