Tatlo pang miyembro ng notorious Madriaga kidnap-for-ransom group ang arestado ng PNP Anti Kidnapping Group sa search warrant implementation sa Laguna.
Kinilala ni PNP AKG Director, PBGen. Rodolfo Castil ang mga naarestong suspek na sina Allan Laurenciano Guevarra, 45 years-old , Edwin Prestado a.k.a Eduardo Prestado, 54 years-old at Jonathan Arante, 68 years-old, pawang mga residente ng nabanggit na lalawigan.
Ayon kay BGen. Castil, bitbit ang dalawang search warrant na ipinalabas ni Judge Agrifino Bravo ng Lucena City dahil sa paglabag sa RA 10591 O omprehensive law on Firearms and Ammunition Act naaresto ang tatlo.
Nakumpiska sa kanila ang matataas na kalibre ng baril at mga bala na pinaniniwalaang ginagamit sa kanilang mga operasyon.
Nito lamang buwan ng Hulyo nang magumpisang malansag ng PPNP-AKG ang grupo matapos madakip asi Ramil Madriaga at kanang-kamay nito na si Jaime Patana.
Ayon sa PNP AKG, mapanganib ang nasabing grupo dahil sinasaktan at pinapatay umano nito ang kanilang mga biktima kapag hindi nakabayad ang pamilya ng mga ito sa kanilang ibinigay na time frame.