3 patay sa magkahiwalay na pamamaril sa Tupi

KORONADAL CITY — DEAD on the spot ang dalawang lalaki habang dead on arrival naman sa ospital ang isang minor de edad sa magkahiwalay na kaso ng pamamaril sa Tupi, South Cotabato.

Nangyari ang unang insidente, alas-3:50 ng hapon noong Hunyo 25 sa Purok 4, Barangay Poblacion kung saan pinagbabaril ng hindi nakilalang mga suspek ang biktimang si Brixx Joson Mejia, 30-anyos, residente ng nasabing lugar.

Naka-upo lamang umano ang biktima sa harap ng bahay nito at nanonood ng basketball nang pinagbabaril.

Samantala, agad namang binawian ng buhay si Michael Ynot habang hindi naman umabot ng buhay sa ospital si Mark John Magbanua, 13-anyos, kapwa mga residente ng Purok 5, Barangay Polonuling sa nangyaring pamamaril, Hunyo 25 ng gabi.

Sakay umano ng tricycle ang dalawa nang pinagbabaril ng hindi nakilalang suspek na agad tumakas matapos nagawa ang krimen.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Tupi PNP sa pagkakakilanlan sa mga suspek sa nasabing krimen.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *