3 rebeldeng NPA, sumurender sa Masbate

Boluntaryong sumurender sa tropa ng PNP-SAF, bilang lead unit ang tatlong rebeldeng New People’s Army sa bayan ng Cataingan, Masbate.

Kinilala lamang ang mga ito sa kanilang pangalan sa hukbo na sina Ka valentin, 40-anyos; Ka Bubuy, 28-anyos at Ka Bulyung, 55-anyos, lahat may asawa at mga magsasaka at mga residente ng nasabing bayan.

Sa ulat na natanggap ng Brigada News, nagsisurender ang mga ito matapos ang masusing negosasyon sa tropa na kinabibilangan din ng Team 942 ng 94th Spl Action Company ng 9 Spl Action Battalion katuwang ang Reg’l Intelligence Unit at Cataingan MPS.

Ang tatlong rebelde ay miyembro ng L2, KP4, ComProb Masbate sa ilalim ng pamumuno ni Rogelio Suson alias “Manong’, CO ng Platun 1, L2, KP4 na nag-ooperate sa 3rd District ng Masbate.

Sasailalim ang tatlong rebelde sa debriefing at interview bago ang kanilang enrollment sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP.  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *