3 reporters – pinaputukan ‘di umano ng kapulisan sa Pastrana, Leyte

Kinundena ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) ang ‘di umano’y pagpapaputok ng baril laban sa tatlong mga reporters sa Pastrana, Leyte.

Sa ulat, magi-interview lang daw sana ang mga reporters na sina Lito Bagunas, Noel Sianosa, at Ted Tomas sa ilang mga magsasakang sangkot sa land dispute sa Barangay Jones ng naturang bayan.

‘Yun nga lang – isa umanong pulis na nangngangalang Rhea Mae Baleos ang huminto sa kanila at itinaboy ang mga kawani ng media.

Nang makita raw nitong nagvi-video ang mga reporters, ‘di umano ay inagaw nila ang cellphone at tska sila tinulak.

Ilang minuto lamang ang nakalipas ay nagpaputok na raw sila ng baril.

Samantala, sa hiwalay na panayam ng 93.5 Brigada NewsFM Tacloban kay Bagunas sinabi nitong desidido silang magsampa ng kasong kriminal laban kay Baleos.

Nalaman ding hindi naka-uniporme ang naturang pulis at ‘di umano ay hiningi ang P250,000 na sangla ng lupa ng pamilya Nogal.

Sabi ni Bagunas – una na raw napag-initan ni Baleos ang isang miyembro ng pamilya Nogal na kumuha ng video kung saan inagaw umano ang cellphone nito at ibinato sa lupa, at sumunod ang kawani ng media na si Noel Tampil na kumukuha rin ng footage.

Sa ngayon, sinusubukan pa rin ng 93.5 Brigada NewsFM Tacloban na makuha ang sagot ng Pastrana PNP hinggil sa naturang insidente, kung saan nakatalaga si Ssgt Baleos.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *