3 suspek sa pagnanakaw sa Starmall shooting incident, pinaghahanap na

Pinaghahanap na nang mga otoridad ang tatlong suspek sa insidente ng pagnanakaw na nauwi sa ‘shooting incident’ sa parking lot ng isang mall sa Alabang.

Sa imbestigasyon ng Muntinlupa City Police, sinabi nitong nagsimula ang insidente matapos makita ng mga tauhan ng Starmall Alabang sa pamamagitan ng CCTV, ang pagnanakaw ng spare tire ng isang sasakyang nakaparada sa second floor ng parking building.

Nakita umanong isinakay ang mga nakaw na gulong sa puting SUV.

Dito na inabangan ng mga security guard ng mall ang paglabas ng sasakyan na nauwi sa pagpapaputok ng baril matapos na tumangging bumaba ang mga suspek at piliting tumakas sa mga gwardiya.

Ilang motorsiklo naman ang nasira matapos mahagip ng getaway vehicle na sinasakyan ng mga magnanakaw.

Sa follow up operation ng mga kapulisan nakita na lamang ang SUV na inabandona sa isang condominium sa Barangay Sucat.

Hawak na ng mga otoridad ang sasakyan habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa kaso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *