3 suspek sa pagpabagsak ng passenger jet sa Ukraine na ikinasawi ng 298 na pasahero, hinatulan ng life-imprisonment

Hinatulang guilty sa murder ng Dutch court ang tatlong lalaki na sinasabing responsable sa pagbagsak ng passenger jet sa Ukraine noong 2014 na ikinamatay ng 298 na tao.

Ayon sa korte, ang Russian-made missile na nanggaling sa Russia ay pinakawalan ng armed group sa ilalim ng Russian control na nagpabagsak sa MH17.

Parusang habang-buhay ang ipinataw ng korte sa mga suspect na kinabibilangan ng dalawang Russian na sina Leonid Kharchenko at Sergei Dubinsky at isang Ukrainian na si Igor Girkin habang abswelto naman ang ikatlong Russian na si Oleg Pulatov.

Samantala, inihayag ng karamihan sa mga kamag-anak ng mga biktima sa nasabing flight na kung kumilos sana ang mundo laban sa Russia, walong taon na ang nakakaraan, posibleng hindi nangyari ang pag-atake nito sa Ukraine.

Sa kabila naman ng desisyon ng korte, kumbinsido silang target talaga ng mga suspect na magpabagsak ng military plane at hindi civilian aircraft.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *