3-taong gulang na batang lalaki, pinakabagong kaso ng COVID-19 sa Catanduanes

BNFM BICOL—Muling nakapagtala ng panibagong kaso ng COVID-19 ang islang lalawigan ng Catanduanes batay sa pinaka latest na ulat ng Provincial Health Office as of May 14, 2022.

Sa tala ng nasabing tanggapan, ang pinakabagong kaso ng sakit sa lalawigan ay naitala sa bayan ng Virac kung saan tinukoy ito bilang isang tatlong taong gulang na batang lalaki, walang sintomas ng sakit, walang travel history habang kasalukuyan pang inaalam ang kanyang exposure.

Bunsod nito, nasa 3,194 na ang mga naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa probinsya kung saan isa na lamang sa mga ito ang nananatiling aktibong kaso; 3,061 ang mga gumaling habang nananatili sa 132 ang mga nasawi.###  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *