Tatlong tauhan mula sa Quezon City Police District (QCPD) traffic sector ang nahaharap ngayon sa mga reklamo kaugnay sa road rage incident na kinasasangkutan ng isang dating pulis at isang siklista.

Ito’y matapos sampahan ng kaso ng bike enthusiast at lawyer na si Raymond Fortun sina Police Staff Sergeant (PSSG) Darwin Peralta, PSSG Joel Aviso, at Police Executive Master Sergeant Armando Carr, na mula sa QCPD Traffic Sector 4 sa Kamuning.
Inihain nito ang mga reklamo ng oppression, irregularities sa pagganap ng mga tungkulin, at incompetence sa ilalim ng Rule 21 of the National Police Commission (NAPOLCOM) Memorandum Circular 2016-002.
Ang mga kasong inihain ay kaugnay sa road rage incident noong ika-8 ng Agosto sangkot ang isang retiradong pulis na si Wilfredo Gonzales at isang hindi pinangalanang siklista.