3 water sources sa Oas, Albay planong idevelop ng lokal na gobyerno

LEGAZPI CITY – Para mas maging sapat ang supply ng tubig ng mga consumers ng Oas Water System, target na ayusin ang tatlong water sources.

Ayon kay Mayor Domingo Escoto Jr.,ng Lgu Oas planong idivelop nito ang water sources upang maging sapat ang supply ng tubig sa mga residente.

Maliban sa pinagkukuhanan na supply ng tubig sa Barangay Balogo mayroong pang water sources na maaari pang idevelop ng lokal na gobyerno sa pamamagitan ng OWS.

Aniya, gagawin ng Lgu ang lahat na makakaya upang mabigyan ng sapat na supply at malinis na tubig sa pang araw araw.

Base rin sa tala ng OWS, aabot sa 2,047 na household ang mayroong direkta na koneksyon sa oas water source.

Sa ngayon ay patuloy din naman ang pipelaying activities para maabot ang ibang barangay tulad ng Busac, Saban at Mangga.

Dahdag pa nito, planu rin maglagay ng OWS ng public faucet para sa mga hindi pa konektado upang mabigyan rin ng maayos na tubig sa pang araw araw ng mga residente.

Sinabi ng opisyal, tatapusin ang pipelaying sa iba pang lugar bago magtapos ang taong 2021.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *